Sa ngalan ng pangalan

Burgis na kayabangan siguro itong maituturing pero hindi ba’t ang jologs ng mga pangalang may silent “h” sa gitna? ‘Yung tipong Jhasmine o Bhea o Dhonalyn. Naku, isa pa ‘yang mga pangalang nagtatapos sa “lyn” o kaya—dios mio patawarin—lhyn.

Hindi naman ako tumatawa o nangangantyaw tuwing may nakikilala akong Jhonalyn o Gheralyn. May agarang panghuhusga lang na kumakalabit sa isip ko: siguro hindi sila mayaman.

Class-based, oo. Mukhang wala naman sa hinagap ng mga Sy at Zobel at Gokongwei na magdagdag ng silent “h” sa gitna ng pangalan. Khecelyn Zobel o Jhobert Elizalde—parang ang sarap sagutin ng, weh? 

Hindi lang kasi basta pangalan ang pangalan. Makapangyarihan ito kung tutuusin. Exhibit A: Jonalyn Viray.

jona-album

Mahusay na singer si Jonalyn pero hindi naisalba ng nose job at kilay-on-fleek ang imahe niyang pang-class D. Ang hirap niya kasing i-market via word of mouth. Lakas ng Inter-barangay Singing Contest 2nd Runner Up vibe. Walang masama sa amateur singing contests ha, pero taob ang Jonalyn Viray sa regal elegance ng Nora Aunor at donya prowess ng Regine Velasquez.

Alam iyon ng mga producer ng Star Music kaya nang sumakabilang-network si Jonalyn, nag-rebrand si madame at naging, pak, si Jona. At bilang si Jona, mas nagkaroon siya ng potensyal na humakot ng mga fans na de-kotse at nagsha-shopping sa S&R. Ako talaga itong invested sa career ni Jonalyn ano?

Punta tayo sa Exhibit B: Queen Elizabeth Pacquiao.

Nouveau riche si Pacquiao, klasik na kwentong mahirap at yumaman kalaunan. Ngunit sa kabila ng kanyang social at political influence (would you believe it), patunay ang pangalan ng kanyang bunso na si Queen Elizabeth sa “taste” ni Pacquiao. Wala rin namang masama sa ganyang pangalan; elitista at mapanghusga lang talaga ang lipunan. O ako lang ba ang napapangiwi ng labi sa pangalang Queen Elizabeth? Dinamay ko pa ang buong lipunan.

Ang punto ko: may kultura’t kasaysayan na ipinapahiwatig ang mga pangalan natin. May kultural na batayan kung bakit noo’y sikat ang mga pangalang Diosdado o Milagros pero ngayo’y mas patok na ang Joshua o Hailey. Bagaman mas matagal tayong napailalim sa kolonya ng Espanya, nagbigay tulay naman ang globalisasyon at ang pag-unlad sa teknolohiya upang mas umigting ang impluwensiya ng popular na kulturang Amerika.

Ngunit kung mayroon mang consistent na impluwensiya sa mga tanyag na pangalang Pilipino, iyon ay ang impluwensiyang Kristiyano. Kung magtitiwala tayo sa babynames.ch na batay raw ang mga datos sa NSO, ang consistent na pinakatanyag na pangalan sa Pilipinas ay Angel at ang mga derivative nitong Angelica o Angela.

Isa pang sikat na pangalang pambabae: Maria. At Exhibit C: ako, si Ma. Jolina. O ‘di ba ang kapal ng apog kong manlait e ako naman itong may Maria sa pangalan. At hindi lang basta Maria, ‘yung abridged version pa!

Ngunit ano’t ano man, patuloy kong lulunukin ang bungisngis at susubukang busalan ang panghuhusga sa tuwing may nakikilala akong kakaiba o kakatwa ang pangalan. Sabi ko nga sa simula, middle class arrogance lang ito. Wala nang mas nakakairita pa sa mga taong nangmamata sa kulturang masa na para bang hindi sila nakapaloob dito.

 

 

Advertisements

11 comments

  1. Totoo. Haha. Medyo subversive ‘yung ‘I’m Drunk, I Love You’ kasi burgis si Pathy na may ‘h’.

    Sa Kulê ka ba nagsulat nung nasa UP ka pa? Hula ko, isa ka dun sa mga kolumnista sa end pages.

    Liked by 1 person

    • Nagsusulat nga ako d’un sa likod paminsan! Omygaaad nakakahiyaaa! Hindi mo naman ako kilala ‘no? Waaah. Don’t judge pleazzze! Charot nagpanic? Hahaha. Aaaaaaah.

      Like

  2. Yung “H” sa pangalan, naalala ko ung eme ni Carson sa “I’m Drunk, I Love You” Maaliw ka.

    For sure anak ko aawayin ako pagmagsusulat na at most likely magrereklamo saan ko kinuha pangalan niya. Bigyan ko ba naman ng tatlong pangalan, yung isa galing anime pa. Hahaha.

    Like

    • Hindi ko alam saan makakapanood ng “I’m Drunk, I Love You!” Parang maganda nga batay sa trailer!

      Hahaha, ‘yung mga kaklase kong mahahaba ang pangalan, inis na inis tuwing exams kasi ang dami nilang bilog na kailangang i-shade sa scantron. 😀

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s