Liebster Award!

liebster

Ito raw ang mga patakaran:

(1) Acknowledge the blog who nominated you and display the award.
(2) Answer the 11 questions the blogger gave you.
(3) Give 11 random facts about yourself.
(4) Nominate 11 blogs.
(5) Notify those blogs of the nomination.
(6) Give them 11 questions to answer.

(1) Salamat kay Shai sa pagnomina!

(2) Narito ang sagot ko sa mga tanong niya:

What’s your favorite beauty item?
NYC Smooch Proof Lip Stain (shade Champagne).

What’s one thing you’re scared to ask a man, but really want to?
Pangit ba ako?

If you were a man for a day, what would be the first thing you do?
Magmumura.

Do you believe in Horoscopes?
Hindi. Sabi nga ni Zenaida Seva, “Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Mayroon tayong free will, gamitin natin ito.”

If you could identify with one fictional character (from a book, show, or movie) who would it be?
Pwede komiks? Si Enid ng Ghost World.

What’s your favorite elem/HS/college memory?
Naku marami. Madalas may kinalaman sa alkohol o kaya sa Tagaytay o kaya pareho. Saka na siguro ang mga detalye.

How do you think your parents would describe you as a child?
Siguro “kadiri” kasi sabi ng tatay ko, kinain ko raw ang sarili kong tae noong bata ako.

What’s something you’re really good at?
Mag-transcribe. Raket ko ‘yun dati n’ung college.

What are your favorite blog topics to write about?
Parang wala naman akong paborito. Basta may kinalaman sa akin at sa mga bagay na interesado ako, game.

Biggest blogging achievement so far?
May nagsabi sa akin na maayos naman daw akong magsulat sa Ingles.

(may ghad di ko na kaya mag-english) Anong tanong ang gusto mong itanong sayo ng iba?
Gusto kong tinatanong ako ng mga tao tungkol sa football. Kung sino ang paborito kong team, paano ako nagsimulang mahilig sa football, ano ang ibig sabihin ng offside, etc. Handang-handa akong magpaliwanag—magpapainom pa ako ng beer—basta ba’t mabigyan ako ng pagkakataong kumuda tungkol sa football.

(3) Labing-isang bagay tungkol sa akin:

  • Pangarap ko talagang maging screenwriter sa Pilipinas.
  • Gusto kong magsulat ng pocketbook para sa Precious Hearts Romances pero hindi ko alam kung paano.
  • “Saturn Return” ang paborito kong kanta ng Eraserheads.
  • “Sala” ang paborito kong kanta ng Pupil.
  • “Candelaria” ang paborito kong kanta ng Sandwich.
  • Si Nadine Samonte ang pambato ako noong unang season ng Starstruck. Umiyak ako nang natanggal siya.
  • Si Vic Zhou ang crush ko sa F4.
  • Hindi ako kumakain ng karne.
  • Hindi ko pa napakikinggan ang Favorite ng Ang Bandang Shirley. Natatakot ako’t baka hindi ko magustuhan.
  • Hindi ko masakyan ang trip ng mga may trip kay Lang Leav.
  • Napopogian ako sa mga lalaking marunong maggitara.

Pass na muna ako sa rules (4) to (6). Hindi naman yata aabot sa labing-isa ang mga kilala kong blogger na nagsusulat sa Filipino.

Salamat ulit Shai!

Advertisements

3 comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s