Isang tasang KPop bago matulog

Pagod na pagod na pagod ako ngayon. Hatinggabi na ako natulog kagabi, pero kinailangan ko pa ring magising nang maaga para sa trabaho. Bukas at sa makalawa, 8:00 ng umaga hanggang 10:30 ng gabi ulit ang trabaho ko. ‘Tang ina. Kayod-kabayo, kayod-barya. Sana kayanin ng katawan ko.

Sa mga araw gaya nito na bagsak hanggang impyerno ang energy level ko, nauuwi ako sa panonood ng mga KPop video. Ewan ko ba, pero may good vibes talagang hatid ang KPop para sa akin. Wala akong maintindihan sa lyrics, kaya hindi ko nahuhusgahan ang aspetong iyon ng (posibleng) kachakahan. Tapos mahilig ako sa mga chinito, kaya eye candy sa akin ang 60 percent ng mga boy group.

Kagaya nitong bagong debut na grupo mula sa JYP—ang Got7. Takte tsong, may mga kyut talaga.

Pero aaminin ko, “acquired taste” ang kapogian ng mga batang ‘yan. Dahil sanay na akong makapanood ng mga lalaking kumakanta at sumasayaw habang nagpapakyut sa camera, walang kaso sa akin ang kulay ng mga buhok nila, ang suot, ang eyeliner, etcetera etcetera. At mauunawaan ko kung may maiirita sa pag-aasta nilang gulat—omona!—dahil masyadong internal ang reference.

Binalikan ko rin ang mga lumang KPop video na nagustuhan ko noon. Putsa, ang chaka pala talaga ni Zinger ng Secret (siya ‘yung nasa 00:54 mark sa video sa baba).

Kung may video man na “KPop na KPop,” siguro ito ‘yung STEP ng Kara. Masyadong makulay, may engrish lyrics (stepita stepita), may rap, may “adlibs” sa bandang dulo, may hook bukod sa chorus (la la la la la…) etcetera etcetera.

Sa dami ng nagsusulputang KPop groups ngayon—ride the wave while it lasts!—imposibleng sumikat at magtagumpay silang lahat. That said, ang daming grupong suntok sa buwan ang pag-asang makasabit sa Top 10s, o manalo ng number one. Gaya ng Spica. Lakas maka-hipster ng music video o.

Kyut din ‘tong kanta ni G.Na.

Gusto ko ‘tong Give Love ng Akdong Musician (na sa tingin ko, btw, ay hindi sisikat nang todo-todo kahit pa opisyal silang i-debut ng YG).

Last but not the least (waw), Big Bang yo! Ang jeje ng outfit, ang jeje ng porma, pero naadik ako sa kantang ‘to noong unang panahon. Yiii.

Good night, yo!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s