Panaginip: Birthday party

Panaginip: Birthday party
Mula rito.

Nagpa-party raw ako sa birthday ko—isang bagay na hindi ko ginagawa sa tunay na buhay. Hindi ako nagse-celebrate ng birthday, pwede ba.

Pero sa panaginip ko, full blown house party mehn! Maraming dumating na tao—mga kaibigan mula sa dyaryo, mula sa pagkabata, mula sa kung ano-anong org sa UP, at mga taong hindi ko kilala.

May tugsh-tugsh vibe ang party. Maingay, maraming alak at serbesa at cocktails, at ang daming sumasayaw.

Sa party, tinuruan ako ni Sokifu mag-gangsta pose. Sabi niya, i-pout ko lang daw ang nguso ko at mag-astang maangas. Nag-selfie kami, parehong naka-pout at nagmamaangas. Pagkatapos noon, iniwan ko muna siya para i-entertain ang iba pang bisita. Pagkalipas ng ilang minuto, may nagbigay sa akin ng cellphone niya. “Nahulog yata ni Sokifu,” sabi sa akin. Tiningnan ko ang cellphone at nasa screen ang blog ni Soki. Takte, gumawa ang mokong ng Vine video na puro mukha ko lang ang nakalagay—‘yung mga picture na naka-pout ako pero hindi siya kasama. Natawa ako. Hinanap ko si Sokifu para mabatukan, pero hindi ko na siya nakita.

Kinausap din ako ni Fray, ang lalaking hindi ko naman kaibigan pero kaibigan ng dati kong kaibigan na si AJ. Mas may history kami ni AJ, kasi magkainuman kami dati hanggang nagpahayag siya ng damdamin (ya know what I mean). Sa gitna ng usapan, pabiro akong humirit kay Fray ng, “Hindi ka naman invited.” Pabiro lang talaga, no offense meant. Pero dahil may tension sa aming dalawa—him, being AJ’s friend and me, being the girl who rejected AJ—naging awkward tuloy ang sitwasyon. Nag-sorry ako at sinabi kong biro lang, joke lang, hindi ako seryoso. Ngumiti naman siya, at hindi ko matantya kung okay lang sa kanya o hindi. Buong gabi, iniisip kong ‘tang ina Jolens, bakit ba ang kati-kati-kati ng bunganga mo? May guilt na nakasablay sa puso ko sa araw ng kaarawan ko.

Pagkatapos ng party, nang magsiuwian na ang mga tao, gusto pa ring uminom ng malalapit kong kaibigan. Pumunta kami sa Malingap, isa sa mga kalye sa UPVil na may solid na inuman. On the way, naaalala kong may naiwan ako sa bahay kaya kailangan kong bumalik. Sinamahan ako ni Pendong, na kaibigan ko sa hayskul. Pagdating sa bahay, ewan ko ba, ang daming nangyari. Tumae ako, nawala ‘yung sapatos niya, at iba pang mga bagay na hindi naman exciting. Pagdating namin sa Malingap, may araw na.

Nagbago ang “lay-out” ng Malingap pagdating namin doon. Nang sinabi ko sa traysikel drayber na kumaliwa, binaba niya kami sa kanan. Nang nilakad na namin ni Pendong ang daan, napansin kong boom, parang ibang lugar na ito. Naging pier ang buong Malingap, may dagat at mga tindahan ng isda at mga bangka—parang ‘yung pier sa probinsya na malapit sa bahay namin n’ung bata pa ako. At ang dami nang tao.

Nang mahanap na namin ang iba pa naming kasama, pagod na sila at tapos nang uminom. Naglakad na kami pauwi sa bahay. Pagdating sa bahay, nag-sink in sa akin na kaya pala may party dahil birthday at despedida ko iyon. Aalis na ako. Pinag-usapan nila na mamayang gabi na lang ulit uminom, pero aww, wala na ako. Kailangan ko nang umalis.

At nag-shift ang eksena sa pag-eempake ko kasama ang mama at papa ko. Wala na ang mga kaibigan. Tinatantya nina mama at papa kung anong oras ako dapat umalis para hindi ako maiwan ng flight. Ganitong-ganito ‘yung eksena n’ung nag-aaral pa ako sa Laguna kahit na galing ako sa ibang probinsya. Naisip ko tuloy, oo nga ano, ‘tang ina, lagi akong umaalis at nang-iiwan.

Pagkagising, na-miss ko ang paborito kong beer. Kailan ulit ako ako makakatoma ng Pale? (Pota parang endorsement lang.)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s