Ang daming sugat sa kamay ko

Parang na-tortyur ang kamay ko. Wala akong picture kasi tinatamad akong kunan ng litrato ang sarili kong mga kamay, sorry naman. Pero ang sakit talaga puta.

Una, dahil sa lecheng winter, tuyong-tuyo ‘yung balat sa likod ng kamay ko. Sa sobrang tuyo, nagka-krak at nagkanda-sugat-sugat na. Masakit kahit simpleng pag-unat sa mga daliri. Sa sobrang tuyo, kitang-kita na ang mga ekis-ekis na marka—puta parang may irrigation system na ilang taon nang hindi nadaanan ng tubig! Ang sakit sakit sakit sakit.

Ikalawa, nagkabuni ako sa likod ng kaliwang kamay ko. Matagal na, mga two months ago pa. I know right, kadiri. Pero expected naman ‘yun kasi hindi naman ako si Ms. Hygiene. Magaling na ‘yung buni, pero paminsan-minsan, may sumusulpot-sulpot pa rin na mga butlig ng tubig. Tapos makati. Nilalagyan ko lang ng gamot, at boom, after a day, wala na. Pero dahil mukhang may life form pa ng fungus sa buni area, hindi ako basta-basta makapaglagay ng lotion para ma-mosturize ang kamay ko. Alam mo ‘yun? ‘Yung tipong may maliit na butlig ng tubig na harmless naman kasi hindi makati, pero ayaw ko pa ring pahiran ng lotion kasi baka dumami ulit sila—at kumalat at kumati at maging legit na buni muli. Ay ‘tang ina kadiri.

Tapos ‘yung huli, puta nasugatan ‘yung right thumb ko kanina sa trabaho. Akala ko mababaw na sugat lang, pero puta medyo malalim. Mga tatlong oras na, may dugo-dugo pa rin. Hindi makapagsara nang tuluyan ang hiwa, parang may siwang na pwedeng silipin para malaman kung gaano ito kalalim. Hindi naman balong malalim levels. Mga estero levels lang, kanal, ganyan. Pero puta ang sakit. Hindi ako makapagtype nang maayos kasi hindi ko magamit ang space bar nang maayos.

Kanina, pagkagaling ko sa banyo, siyempre naghugas ako ng kamay. Bumuhos ang tubig sa gripo at boom, ang hapdi hapdi on so many levels in so many areas! Nadale ang sugat sa hinlalaki, ang el nino sa likod ng palad, ang mga bagong putok na butlig…putang ina araguuuuy! Today is not my day, Howie Day. Sana bukas makita ko ulit si manong (manong talagaaaa?) para sumaya naman ako. Aray!

Advertisements

2 comments

  1. Ano po ba ang gamot sa palaging nagbabalat ang kamay yung tipong kahit tag araw nagbabalat ang palad pati na din kapag tag ulan at mas lumalala kapag nag tatag lamig na.. Nagsusugat sugat po at masakit na masakit, nagbubutlig butlig din na may tubig. Tapos natutuyot yung balat sa palad tapos nacacrack sya. Ano po kayang gamot ang makakapag pagaling. Sana po ay matulungan ninyo ako. Maraming salamat po

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s