Paul and Art haunting me

Nakikinig ako sa mga kanta ni Joan Baez sa Youtube, nang mapunta ako sa cover niya ng The Boxer ng Simon & Garfunkel. High school na ako nang una kong marinig ang kantang ‘yun—salamat sa pinsan kong bandista na naglagay ng mga kanta sa pinakauna kong iPod nano. First year college naman nang marinig ko ang The Sound of Silence—salamat sa pelikulang The Watchmen. Pagdating sa second year, salamat sa Film 100 class, narinig ko ang Mrs. Robinson.

Ewan ko ba kung bakit ngayon ko lang pinakinggan nang buo ang mga album ng Simon and Garfunkel. Mukha pa man ding omnipresent sila sa pop culture—bahagi ng soundtrack ng mga pelikula (Almost Famous!), nababanggit sa mga libro (High Fidelity), at madalas na nasa listahan ng pinakamahuhusay na musikero (Rolling Stone). Kani-kanina lang, nang mag-log in ako sa Facebook, tumambad sa tuktok ng newsfeed ko ang album ng pictures ni Kuya F kasama ang pusa niyang itim (malaswang pakinggan, pero literal na pusang itim ang nasa picture). Ang title ng album: “hello darkness my old friend.” Kasi itim ang pusa, tapos darkness, tapos…malay ko ba kung nakuha mo o hindi.

At ngayon-ngayon lang, pagkahiga ko sa kama, nag-play ako ng pelikula sa VLC. Like Crazy ni Drake Doremus.

Screen shot 2013-10-27 at 9.35.29 PM

O sige na. ‘Wag n’yo na akong multuhin. Mukhang magagasgas sa playlist ko itong mga kanta ninyo—tamang-tama, dahil tiyak na magiging malungkot at malumbay ang mga susunod na linggo.

Advertisements

2 thoughts on “Paul and Art haunting me

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s